Sabado, Oktubre 25, 2014

The Healing (Suring Pelikula)


I.                                                             Pamagat:  The Healing

II.                                                           Tauhan:
                                           Vilma Santos- bilang Seth, pangunahing tauhan, ina ni Jed.
                                           Kim Chiu- bilang Cookie,  kapatid ni Seth sa kanyang tatay
                                           Martin del Rosario- bilang Jed, anak ni Seth at kapatid ni Cookie
                                           Daria Ramirez- bilang Manang Elsa na siyang tagagamot o faith healer
                                           Joel Torre- bilang si Melchor, kapatid ni Manang Elsa
                                           Jhong Hilario- bilang si Dario Mata, ang binuhay ni Manang Elsa
                                           Pokwang- bilang Alma, isang  nurse na nagtrabaho sa Dubai
                                           Janice de Belen- bilang si Cita, isang ina sa maysakit na anak
                                           Mark Gil- bilang Val, dating asawa ni Seth
                                           Robert Arevalo-  bilang Odong, Ama ni Seth

III.                                                         Kwento:
                                           Ang “The Healing” ay isang nakakatakot na pelikula. Umiikot ito sa pananaw ni Seth na nagpagaling sa kanyang may sakit na Ama na si Odong sa isang “Faith Healer.” Nang makita na gumaling ang ama niya maraming gustong magpagaling rin kay Manang Elsa kasama na rin ang kapatid ng kanyang anank na si Cookie na may malalang sakit. Ngunit nagkaroon ng problema kung saan ang lahat ng nagpagaling ay unti unting namamatay.

IV.                                                        Banghay ng Pangyayari:
                                           Sa tulong ni Seth, naipagaling niya ang iba pa niyang kasamahan kay Manang Elsa na namatay kinalaunan. Unti-unting gumaling ang kanyang mga kasamahan pati ang may sakit na si Cookie ngunit mayroong masamang kapalit ang nakaabang sa kanilang mga buhay. Sila ay namamatay ayon sa ayos ng kanilang pagpagaling. Ang iba ay nagpatiwakal at ang iba naman ay pinatay.
                                           Nang magunita ni Seth ang lahat ng pangyayari sumangguni siya kay Melchor at ang tanging solusyon ay ang pagkamatay muli ni Dario. Nang namatay na ang lahat ng nagpagaling kay Manang Elsa at ang tanging naiiwan na lang ay si Cookie, silay ay nagplano at nagtago para abangang ang oras ng pagpapatiwakal niya. Naglagay sila ng mga tagong kamera sa kwarto at doon kinulong si Cookie. Plinano ni Seth na lasunin si Dario sa kanyang kulongan ngunit hindi niya kayang pumatay ng tao.
                                           Nang akala nilang nabali na ang sumpa kay Cookie sila ay nagdiwang kasabay ng kaarawan ng kanyang ama biglang nagpakita ang “doopleganger” ni Cookie at inatake silang tatlo. Nagpalipat-lipat ang doopleganger ng katawan sa kanilang tatlo at nasa bingit na rin ng kamatayan ang kanilang mga buhay ng biglang pinatay ni Melchor sa kulongan si Dario Mata. Sa ganitong paraan naputol ang sumpa at nailigtas ang nalalabing mga buhay.

V.                                                          Paksa/ Tema
                                           Dapat munang paghirapan ang ating mga kagustuhan dahil hindi ito madaling maaabot.
                                           Ito’y nangangahulugang ang lahat n gating nanaisin ay hindi natin maaabot sa isang iglap lang dahil magkakaroon ito ng malaking kapalit.Kailangang nating paghirapan ito kahit maging matagal pa ang panahon na gugugulin natin dito masisiguro naman ang mabuting dulot nito.

VI.                                                        Cinematograpo
                                   Maganda at mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang “The Healing.” Maganda ang mga “shots” na nakuha nila sa kamera at kahit madlilim hindi ito nagging sagabal sa pelikula. Ang pagkakakabit ng eksena ay maganda. Nakalikaha rin sila ng atmospera na nakakatakot gamit ang mga ilaw, tunog at kasoutan.

VII.                                                      Mensahe

                                           Huwag agad maniwala sa mga sabi sabi o kababalaghang bagay lalo na kung hindi ito maipaliwanag ng agham.

Biyernes, Oktubre 24, 2014

The Healing- - - -Suring Pelikula

 1.  Hindi makatotohanan ang istorya dahil tumatalakay ito sa mga kababalaghan ng mundo. Mayroon itong tinalakay na mga ispiritu at demonyo. Ang istorya ay nabuo gamit ang imahinasyon at guni guni ng tao.


2.       Ang mga artista ay angkop sa papel na kanilang nagampanan dahil naipakita at naipadama nila sa manonood ang dapat nilang madama. Sa eksena na dapat matakot ang manonood nailalabas nila ang takot sa kanilang mukha. Sa oras na dapat silang magalit ay nakikita rin sa kanilang mukha.

3.       Sa eksena na nagmamakaawa si Kim Chui na tulongan siya na gumaling sa sakit niya masasabing mong magaling na nagampanan niya ito. Sa eksena ni Janice de Belen na natatakot at nagaalala sa kalagayan ng kanyang anak makikita mo ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Masasabing magaling ang pagganap ng bawat artista sa kanilang karakter dahil nadala nila ang pelikula sa paraan na madadala rin ang mga manonood.

4.       Sa “The Healing” ito ay horror movie kaya kailangan ang mga aspektong teknikal tulad ilaw, tunog at kasuotan. Dito napapaganda ang pelikula dahlia nakadaragdag ng epekto at mood. Napapaseryoso o nagiging katakot-takot ang atmospera ng pelikula dahil dito.

5.       Para sa akin walang napabayaang element dahilnakuha lahat ng pelikula ang lahat ng element upang maging maganda ang kalalabasan nito.

6.       Opo, dahil batid ng manonood ang mensahe ng pelikula. Tumatak sa manonood ang bawat sandali ng pelikula. Maisasabuhay niya ang mensahe na hindi dapat padalos-dalos sa pagdedesisyon. Hindi agad maniwala sa mga sabi sabi at mahihiwagang bagay na hindi kayang ipalaiwanag ng syensya.