Biyernes, Oktubre 24, 2014

The Healing- - - -Suring Pelikula

 1.  Hindi makatotohanan ang istorya dahil tumatalakay ito sa mga kababalaghan ng mundo. Mayroon itong tinalakay na mga ispiritu at demonyo. Ang istorya ay nabuo gamit ang imahinasyon at guni guni ng tao.


2.       Ang mga artista ay angkop sa papel na kanilang nagampanan dahil naipakita at naipadama nila sa manonood ang dapat nilang madama. Sa eksena na dapat matakot ang manonood nailalabas nila ang takot sa kanilang mukha. Sa oras na dapat silang magalit ay nakikita rin sa kanilang mukha.

3.       Sa eksena na nagmamakaawa si Kim Chui na tulongan siya na gumaling sa sakit niya masasabing mong magaling na nagampanan niya ito. Sa eksena ni Janice de Belen na natatakot at nagaalala sa kalagayan ng kanyang anak makikita mo ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Masasabing magaling ang pagganap ng bawat artista sa kanilang karakter dahil nadala nila ang pelikula sa paraan na madadala rin ang mga manonood.

4.       Sa “The Healing” ito ay horror movie kaya kailangan ang mga aspektong teknikal tulad ilaw, tunog at kasuotan. Dito napapaganda ang pelikula dahlia nakadaragdag ng epekto at mood. Napapaseryoso o nagiging katakot-takot ang atmospera ng pelikula dahil dito.

5.       Para sa akin walang napabayaang element dahilnakuha lahat ng pelikula ang lahat ng element upang maging maganda ang kalalabasan nito.

6.       Opo, dahil batid ng manonood ang mensahe ng pelikula. Tumatak sa manonood ang bawat sandali ng pelikula. Maisasabuhay niya ang mensahe na hindi dapat padalos-dalos sa pagdedesisyon. Hindi agad maniwala sa mga sabi sabi at mahihiwagang bagay na hindi kayang ipalaiwanag ng syensya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento