I.
Pamagat:
The Healing
II.
Tauhan:
Vilma
Santos- bilang Seth, pangunahing tauhan, ina ni Jed.
Kim Chiu- bilang Cookie, kapatid ni Seth sa kanyang tatay
Martin del Rosario- bilang Jed, anak ni
Seth at kapatid ni Cookie
Daria Ramirez- bilang Manang Elsa na
siyang tagagamot o faith healer
Joel Torre- bilang si Melchor, kapatid
ni Manang Elsa
Jhong Hilario- bilang si Dario Mata,
ang binuhay ni Manang Elsa
Pokwang- bilang Alma, isang nurse na nagtrabaho sa Dubai
Janice de Belen- bilang si Cita, isang
ina sa maysakit na anak
Mark Gil- bilang Val, dating asawa ni
Seth
Robert Arevalo- bilang Odong, Ama ni Seth
Ang
“The Healing” ay isang nakakatakot na pelikula. Umiikot ito sa pananaw ni Seth
na nagpagaling sa kanyang may sakit na Ama na si Odong sa isang “Faith Healer.”
Nang makita na gumaling ang ama niya maraming gustong magpagaling rin kay
Manang Elsa kasama na rin ang kapatid ng kanyang anank na si Cookie na may
malalang sakit. Ngunit nagkaroon ng problema kung saan ang lahat ng nagpagaling
ay unti unting namamatay.
IV.
Banghay
ng Pangyayari:
Sa
tulong ni Seth, naipagaling niya ang iba pa niyang kasamahan kay Manang Elsa na
namatay kinalaunan. Unti-unting gumaling ang kanyang mga kasamahan pati ang may
sakit na si Cookie ngunit mayroong masamang kapalit ang nakaabang sa kanilang
mga buhay. Sila ay namamatay ayon sa ayos ng kanilang pagpagaling. Ang iba ay
nagpatiwakal at ang iba naman ay pinatay.
Nang
magunita ni Seth ang lahat ng pangyayari sumangguni siya kay Melchor at ang
tanging solusyon ay ang pagkamatay muli ni Dario. Nang namatay na ang lahat ng
nagpagaling kay Manang Elsa at ang tanging naiiwan na lang ay si Cookie, silay
ay nagplano at nagtago para abangang ang oras ng pagpapatiwakal niya. Naglagay
sila ng mga tagong kamera sa kwarto at doon kinulong si Cookie. Plinano ni Seth
na lasunin si Dario sa kanyang kulongan ngunit hindi niya kayang pumatay ng
tao.
Nang
akala nilang nabali na ang sumpa kay Cookie sila ay nagdiwang kasabay ng
kaarawan ng kanyang ama biglang nagpakita ang “doopleganger” ni Cookie at
inatake silang tatlo. Nagpalipat-lipat ang doopleganger ng katawan sa kanilang
tatlo at nasa bingit na rin ng kamatayan ang kanilang mga buhay ng biglang
pinatay ni Melchor sa kulongan si Dario Mata. Sa ganitong paraan naputol ang
sumpa at nailigtas ang nalalabing mga buhay.
V.
Paksa/
Tema
Dapat
munang paghirapan ang ating mga kagustuhan dahil hindi ito madaling maaabot.
Ito’y
nangangahulugang ang lahat n gating nanaisin ay hindi natin maaabot sa isang
iglap lang dahil magkakaroon ito ng malaking kapalit.Kailangang nating
paghirapan ito kahit maging matagal pa ang panahon na gugugulin natin dito
masisiguro naman ang mabuting dulot nito.
VI.
Cinematograpo
Maganda
at mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang “The Healing.” Maganda ang mga “shots”
na nakuha nila sa kamera at kahit madlilim hindi ito nagging sagabal sa
pelikula. Ang pagkakakabit ng eksena ay maganda. Nakalikaha rin sila ng
atmospera na nakakatakot gamit ang mga ilaw, tunog at kasoutan.
VII.
Mensahe
Huwag
agad maniwala sa mga sabi sabi o kababalaghang bagay lalo na kung hindi ito
maipaliwanag ng agham.